Marco's Theme - Saglit - Moira Dela Torre Lyrics


Malayo man ang distansya
'Di man marinig
ang boses mong aking nakasanayan
Pipikit na lang muna
at papagalingin
ang mga mata sa kaluluha
At hihinga ng malalim
at papakalmahin ang patalim
Tapos na ang labanSalamat sa saglit
Salamat sa sakit
Ako'y 'di magsisisi
kahit 'di ka na sa akin
kung bukas man ako ay lilingon
Makikita sa tabi
na minsa'y sandali kang naging akin
Sa paghulma ng paalam
'Di man madama
ang pagbitaw ng 'yong mga kamay
Pipikit na lang muna,
iiwas ng tingin
at aatras bago ito bawiin
at hihinga ng malalim
at papakalmahin ang patalim
Tapos na ang labanSalamat sa saglit
Salamat sa sakit
Ako'y 'di magsisisi
kahit 'di ka na sa akin
kung bukas man ako ay lilingon
Makikita sa tabi
na minsa'y sandali kang naging akin
At sa pagbawi ng tadhana
Masakit man magpalaya,
doon ako kung sa'n ka sasaya
Kung sa'n ka malaya...Salamat sa saglit
Salamat sa sakit
Ako'y 'di magsisisi
kahit 'di ka na sa akin
kung bukas man ako ay lilingon
Makikita sa tabi
na minsa'y sandali kang naging akin

Marco's Theme - Saglit lyrics !!!