[Verse 1]
Pasensya na kung ako ay 'di nagsasalita
Hindi ko kayang sabihin
Ang aking nadarama
[Chorus]
Huwag mo na akong pilitin
Ako ay walang lakas ng loob
Para tumanggi
Walang dapat ipagtanga
Ako ay ipinanganak na torpe
Sa ayaw at hindi
[Verse 2]
Pasensya na kung ikaw ay naiinis
Ayoko na sanang pag-usapan pa
Kung gusto mo ay
Manood ka na lang ng sine
'Di ba huwebes ngayon?
Baka may bago nang palabas
[Interlude]
[Chorus]
Huwag mo na akong pilitin
Ako ay walang lakas ng loob
Para tumanggi
Walang dapat ipagtanga
Ako ay ipinanganak na torpe
Diyan sa tabi-tabi
[Verse 3]
Pasensya na
Kung ako ay naiiyak
Mababaw lang talaga ang luha ko
'Di ko mapigil
Ang aking damdamin
Pwede bang umalis ka na
Tumutunog na ang beeper mo
Pasensya na