Enchong Dee

Lyrics to Chinito Problems (feat. Yeng Constantino)

Gulat ako nang makilala kita

Natulala sa tinatagong ganda

Bakit ‘di man lang kita napansin (‘di man lang kita napansin)

Siguro malabo lang paningin

Oh bakit nga ba

Dati-rati walang kulay ang mundo (kulay ang mundo)

Tumingkad ang lahat ng dahil sa'yo

Saang sulok ka nga ba nanggaling

Ang puso'y sabik sa'yong pagdating

Chorus:

Kapag ika'y kasama

‘Di ko mapigilang tumawa

Ako'y tuwang-tuwa

Kahit na magmukha pa akong ewan

Ay okay lang

Kay linaw nang paligid

‘Pag ikaw na ang kaharap

Walang gustong makita kundi ikaw

Nagsimula lahat sa “hi” at “hello” (hi at hello)

Nagkabangga na ri't nagkasalubong

Parang di na makapaghintay

Na muli ikaw ay makasabay

Oh kailan nga ba

Sana naman ay may pag-asa ako (pag-asa ako)

Kapag inamin ‘tong nadarama ko (nadarama ko)

Dahil ‘di ko na palalampasin (‘di ko na palalampasin)

Ang araw na malalaman mo rin

Chorus:

Kapag ika'y kasama

‘Di ko mapigilang tumawa

Ako'y tuwang-tuwa

Kahit na magmukha pa akong ewan

Ay okay lang

Kay linaw nang paligid

‘Pag ikaw na ang kaharap

Walang gustong makita kundi ikaw

Bridge:

Labo-labo, ba't ‘di ko pa masabe (labo-labo)

Labo-labo, ba't ‘di ko pa masabe (labo-labo)

Labo-labo, paano sasabihin sa'yo

At kung ikaw ay nakatawa

Ako pa ba ay nakikita

Nalilimutan ko ang itsura ko

Kapag kausap na ikaw

Sana naman ako'y pakinggan

At nang ikaw ay malinawan

Dahil nabihag mo ang aking paningin

At damdamin

Chorus:

Kapag ika'y kasama

‘Di ko mapigilang tumawa

Ako'y tuwang-tuwa

Kahit na magmukha pa akong ewan

Ay okay lang

Kay linaw nang paligid

‘Pag ikaw na ang kaharap

Walang gustong makita kundi ikaw

Labo-labo, ba't ‘di ko pa masabe (kundi ikaw)

Labo-labo, ba't ‘di ko pa masabe (kundi ikaw)

Labo-labo, paano sasabihin sa'yo (labo-labo)