Lagi nalang umuulan
Parang walang katapusan
Tulad ng paghihirap ko ngayon
Parang walang humpay
Sa kabila ng lahat ng aking pagsisikap
Na limutin ka ay di pa rin magawaHindi naman ako tanga
Alam ko nang wala ka na
Pero mahirap lang na tanggapin
Di na kita kapiling
Iniwan mo akong nagiisa
Sa gitna ng dilim at basang-basa pa sa ulanPero wag mag-alala di na kita gagambalain pa
Alam ko namang ngayon may kapiling ka nang ibaTanging hiling ko sayo
Na tuwing umuulan
Maalala mo sanang may
Nagmamahal sayo-ako
Lalalalalala
Lalalalalala
Lalalalala
Lalalalalala
Lalalalalala
Lalalalala
Song Discussions is protected by U.S. Patent 9401941. Other patents pending.