Payo - Asin Lyrics


Minsan ay nasabi ng aking lola

Ang buhay kong tingnan mahiwaga

Pati na rin oras di makuha

At ang umpisa ay tapos na



Lipad ng lipad ang ibong kay ganda

Bulaklak na makulay sa mata

Dinggin ang himig ng hangin malamyus

Tingnan ang lupa sagana sa ating pagud



Saan ka lulugar kasama ko sabihin mo

Oras ay tumatakbo umiikot ang mundo

Ang buhay di maghihintay sa'yo



Bigyan ng daan ang diwa ninuman

Pagkat ito'y mula sa hinog na isipan

Sa kinang ng iyong buhay sa lansangan

Sila ay kailangan ring pakinggan



Saan ka lulugar kasama ko sabihin mo

Oras ay tumatakbo umiikot ang mundo

Ang buhay di maghihintay sa'yo



Ipagdiwang ang buhay na daratal

Ito'y likha isang kababalaghan

At ito'y hindi sa'yo lamang

Ngunit para sa taong nasa kapaligiran



Saan ka lulugar kasama ko sabihin mo

Oras ay tumatakbo umiikot ang mundo

Ang buhay di maghihintay sa'yo



Saan ka lulugar kasama ko sabihin mo

Oras ay tumatakbo umiikot ang mundo

Ang buhay di maghihintay sa'yo

Payo lyrics !!!